Napapanahong Isyu

Name: Rheanna Mae Diaz   10 - Perseverance

Sa masalukuyan, parami na nang parami ang mga isyu tungkol sa maagang pagbubuntis. Ang maagang pagbubuntis ay kalat na kalat na sa iba't-ibang parte ng bansa. Ito rin ay nagdudulot sa patuloy na paglaki ng populasyon, hindi lang ng ating bansa, kundi sa buong mundo. Taon-taon, pataas na nang pataas ang bilang ng mga kabataang nabubuntis ng maaga. Maraming posibleng rason o mga dahilan ng paglaganap nito sa buong mundo. kabilang rito ang temptasyon, pagbebenta sa sarili dahil sa kahirapan, at higit sa lahat, ang pagiging biktima ng paggahasa. Sa ngayon, tayo at nahaharap sa masaklap na katotohanan na sa napakamurang eded pa lamang ng mga kabataan, marami na ang nabubuntis at ang mga nagkakaroon ng anak. Yung iba ay naku-curious lang at gustong makaranas kaso nauwi sa pagbubuntis at yung iba naman ay gusto lang sumabay sa uso. 

Sa bansa natin, walang ipinalaganap na sex education na kung saan ay makakatulong sana sa mga kabataan na malaman nila ang mga maging kahinatnan kung sila ay papasok sa pagtatalik. Ang paglaganap ng teknolohiya ay isa sa mga rason kung bakit nangyayari ang mga ito. Nakalantad sa mga kabataan ang social media at iba't-ibang website na naglalaman ng pornograpiy na naghihikayat sa mga kabataan na sumubok sa pre-marital sex. Sa kabila ng isyu na ito, mayroon din itong naidudulot na bunga. Magiging aral ito ng mga kabataang nabubuntis ng maaga na magdudulot sa kanila na mapalaki ng tama kanilang, mabigyan ng sapat na disiplina at sapat na pagmamahal. Maaari itong gawing aral ng mga kabataan na magdudulot sa kanila ng pag iwas rito.

Comments

Popular posts from this blog

DIGITAL ART

FAMILY DAY JOURNAL

PERSUASIVE ESSAY BLOG