ANG PAGIGING TAO O MAKATAO
Name: Rheanna Mae Diaz Grade 10 - Perseverance
Mayroong kanya-kanyang aspeto ang bawat tao, kanya-kanyang paniniwala at paningin sa buhay. Malaki ang kaibahan sa pagiging tao at makatao ngunit para sa akin mas madaling nagagawa ang pagiging tao lang. Ikanga nila, "Ang pagiging tao ay napakadali pero ang pagpapakatao mahirap."
Sang-ayon ako sa ika nilang ito, dahil para sa akin mismo mas madali ang pagiging tao kaysa sa pagpapakatao. Sa pagiging tao, kailangan mo lang maging ikaw, makikita naman natin iyon sa pisikal lamang na anyo. Masasabi natin na tayo ay tao dahil may kakayahan tayong mag-isip, makaramdam ng iba't-ibang klaseng emosyon. Sa pagiging makatao, hindi lamang ito tungkol sa paggawa ng mabubuting bagay dahil ito ay naipapakita sa pagmamahal natin sa ating kapwa. Ito ay makikita kung sa paano natin tratuhin ang ibang tao, kung paano natin sila respetuhin.
Nasasabi kong sang-ayon ako dahil naranasan ko na rin mismo ito. Hindi ko naman sinasabing hindi ko nagagawang maging makatao, pero sa totoo lang, hindi ito madali. Para sakin ito ay nakadepende sa kung anong sitwasyong meron ako. May mga pagkakataon na hindi ko nagagawang maging makatao, minsan hindi ko namamalayan iba na pala ang trato ko sa iba, parang hindi ko ito nakokontrol. Sa pagiging tao, naipapakita mo lang kung ano ang gusto mong ipakita sa kanila, napipili mo kung ano yung nararapat lang. Ginagawa ko itong dalawa, pero minsan hindi talaga mapipigilan.
Minsan ko na rin itong nagawa sa pamilya ko nang hindi ko namamalayan, na alam kong mali talaga. Lahat tayo ay matatawag na tao, pero hindi lahat pwede tawaging makatao.
Comments
Post a Comment